-- Advertisements --

chopper

Dumating na ang tatlong bagong choppers na binili ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang kinumpirma ni PNP Director for Logistics M/Gen. Angelito Casimiro.

Sa pagdating ng tatlong bagong choppers ang H125 air bus helicopter, mayroon ng kabuuang 10 helicopters ang PNP ngayon.

Sinabi ni Casimiro nagkakahalaga ng mahigit P205 million ang bawat isang H125 helicopter.

Sa ngayon sumasailalim na sa field testing at evaluation ang tatlong choppers bago pa gagawin ang acceptance mula sa manufacturer nito.

Bukod sa bagong dating na mga air assets, ang PNP ay mayroong apat na units ng H125 air bus, dalawang Robinson 44 trainer chopper, at isang unit ng CESNa C150 trainer fixed wing.

Nilinaw din ni Casimiro na ang bumagsak na Bell 429 chopper sa Laguna ay hindi na maaaring i-repair.

Inihayag pa ni Casimiro na nakatakdang bayaran ng GSIS ang PNP ng nasa P430 million bilang proceeds doon sa bumagsak na Bell 429.

Aniya, ang nasabing pera ay gagamitin ng PNP para bumili ng pump aira ambulance, kung saan ito ay ang dalawang H130.

Gagamitin ang mga PNP choppers sa rescue operations, medical evacuation, aerial survey at pagdala ng mga kagamitan ng mga tropa gaya ng kanilang mga supplies na bala, armas, pagkain at tubig.

Inihayag ni Casimiro na umaasa ang PNP na makakabili rin ng C219 aircraft na mas maliit sa C130 cargo plane ng Philippine Air Force (PAF).