Sa basement na makukulong ang tatlong resource persons na pinatawan ng contempt ng Senate committee on justice dahil sa umano’y pagtatago ng katotohanan sa public hearing.
Kabilang sa mga ito sina BuCor legal chief Atty. Frederick Santos, Dr. Urcisio Cenas at documents section head Ramoncito Roque.
Mismong ang dating BuCor head na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa pa ang nagpanukalang i-cite in contempt ang tatlo dahil sa hindi pagsasabi ng buong katotohanan.
Sinang-ayunan naman ng mga miyembro ng lupon ang nais ni Dela Rosa, kaya agad naglabas ng order ang chairman na si Sen. Richard Gordon.
Una rito, mismong si Roque ay umamin na may katiwalian talagang nangyayari sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).
Posible rin daw na may iba pang pangyayari na hindi na lamang nakakarating sa kanilang kaalaman.
Para kay Gordon, napakalala na ng problema sa Bilibid kaya kailangan na ng mabigat na aksyon.
“Our penitentiaries should be a place of reformation but the BuCor has become an institution of corruption,” wika ni Gordon.