-- Advertisements --
Itinuturing ng mga otoridad sa Israel na isang uri ng terror attack ang naganap na pagpapasabog ng tatlong bus.
Ayon sa mga otoridad ng Israel na pumalpak ang pagsabog ng dalawang bus sa bayan ng Bat Yam sa timog bahagi ng Tel Aviv.
Sinabi ni Transport Minister Miri Regev na kanilang pansamantalang itinigil ang operasyon ng mga bus, trains at eroplano para suriin kung may nakatanim na bomba.
Wala namang naitalang anumang nasawi o nasugatan sa insidente.
Patuloy ang ginagawang pag-iimbestiga ng mga otoridad ukol sa nangyaring insidente.