CENTRAL MINDANAO – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapag-quarantine sila ng tatlong buwang gulang na sanggol na pinaghihinalaang na may poliomyelitis sa lungsod ng Cotabato.
Ang sanggol ay nasa isolation room ng Cotabato Regional and Medical Center (CRMC).
Sa ulat ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH-12) ang bata ay dinala sa CRMC dahil sa lagnat at pagkalumpo ng isang paa.
Ang ospital ay nagsimula nang magsuri upang matukoy kung ang pasyente ay talagang mayroong poliomyelitis, ayon kay Jenny Panizalez, information officer ng DOH-12.
Sinabi ni Panizalez na ang mga specimen na nakuha ng mga manggagamot ay isinumite para sa pagsusuri sa laboratoryo
Ang poliomyelitis, o pagkalumpo ng sanggol na kilala rin bilang polio, ay isang nakakahawang sakit na dulot ng poliovirus.