CENTRAL MINDANAO – Wala ng buhay ang isang sanggol ng magising ang ina sa loob ng kanilang tahanan sa syudad ng Cotabato.
Nakilala ang suspek na si Mucher Repalda Flores, 20, umano’y may kinakasama at residente ng Tamse Road, Barangay Poblacion 4, Cotabato City.
Ayon kay Cotabato City Police Office (CCPO) Police Precinct #2 commander Major Elexon Bona ipinagtimpla umano ng gatas ang sanggol habang tulog ang asawa.
Walang humpay sa pag-iyak ang sanggol at dahil sa sobrang pagod sa trabaho ay ‘di niya sinadya na mapukpok ang musmos ng beberon.
Nalaman na lamang ni Ivy na patay na ang bata nang ito ay gisingin ng mister at inamin ang krimen.
Nagtamo ng matinding pasa sa mukha ang sanggol na dahilan ng pagkasawi nito.
Sinabi ng suspek na abot langit ang kanyang pagsisi sa pagkapatay sa kanyang anak.
Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek sa costudial facility ng PP2 at sasampahan ng kasong paglabag sa Article 246 of Revised Penal Code parricide.