-- Advertisements --

Pasok sa top 10 ang 3 cebuano na parehong nagtapos sa Cebu Institute of Technology-University sa inilabas na resulta ng 2024 Registered Electrical Engineers Licensure Examination.

Topnotcher si Christopher Maranga na nakakuha ng 93.20% rating, rank 4 si Jane Edge Sayago na may 92.15% rating, habang rank 5 naman si John Dale Quiñones na nakakuha ng 92.05%.

Sinabi pa ni Maranga na hindi pa rin siya makapaniwala na naging Topnotcher sa Examination. Aniya, nagduda umano ito sa kanyang mga sagot, gayunpaman, target na umano niyang makapasok sa top 10.

Sa panig naman ni Sayago at Quiñones, dasal at disiplina lang umano sa sarili ang susi para makapasa at makuha ang pwesto.

Ibinahagi pa ng dalawa na kanila munang isinantabi ang mga bagay na makakaapekto sa kanilang pag-aaral gaya ng pag-iwas sa social media at paglaan ng oras sa at pagpukos sa review.

Dagdag pa ng mga ito na sa kabila ng kanilang mga puyat at responsibilidad, nananatili umano silang positibo at pokus sa kanilang goal na makapasok sa top 10.

Payo pa ng mga ito sa mga estudyante na habang maaga pa ay mag-invest sa mga learning materials gaya ng mga libro at reviewers bilang paghahanda para sa hinaharap na licensure examination.