-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tatlong Centerian sa bayan ng Kabacan Cotabato ang tumanggap ng pagkilala.

Kinilala ang mga centenarian na sina Emelia Guzman-Lugares, Marcela Barillo-Bantiding (Deceased) at si Susana Apusen-Wigan (deceased).

Ayon kay MSWDO Susan Macalipat, bago pumanaw ang dalawang centenarian ay naberepika na ito ng DSWD 12.

Samantala, sa nasabing aktibidad, maliban sa tinanggap ng pamilya at ni Lugares ang tig-P100,000 cash mula sa DSWD, nagkaloob ng P10,000 cash, at plake ang lokal na pamahalaanng Kabacan sa pangunguna ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr.

Maliban dito, magkakaloob din ng allowance ang LGU kay Lugares at Satornino Barit (centenarian) bilang tugon sa kanilang mga pangangailangan na gamot at pagkakalooban din ng bagong wheelchair.

Nagkaloob naman ng tig-5,000 si ABC President Evangeline Pascua-Guzman at tig-iisang sakong bigas.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga pamilya ng benepisyaryo. Ayon sa alkalde, malaki ang utang na loob ng bawat Kabakeño sa mga Senior Citizen lalo pa’t sila ang rason kung bakit mayroong Kabacan.