Kinumpirma ni Taguig City Mayor Lani Cayentano, na ang bawat centenarian sa kanilang siyudad ay makakatanggap ng taunang birthday cash gift na P100,000.00 mula sa local government na bahagi ng kanilang benepisyo hanggang sila ay nananatiling buhay.
Kamakailan lamang , tatlong centenarian na residente ng siyudad ang nabigyan ng P100,000.00 cash gift ng pamahalaang lokal, patunay ito ng pagmamahal ng siyudad sa mga senior citizen.
Patunay din ito na prayoridad ng pamahalaang lokal ang kapakanan ng mga senior citizen.
Binisita ni Mayor Cayetano ang tatlong centenarian at personal na ibinigay ang tseke kina Lola Patria Entrada,102 -anyos mula sa West Rembo; Lola Carmen Borja, mula sa Barangay Ususan, at Lola Severa Decasa, mula sa Barangay Rizal.
Ang PHP100,000 cash gift ng Taguig seniors na umabot ng 100 taong gulang ay base sa City Ordinance No. 25 of 2017.
Sinabi ng alkalde na ang nasabing bonus ay pondo mula sa local government bilang dagdag benepisyo na ibinibigay ng national government sa ilalim ng “Centenarians Act of 2016.”
“Kalakip ng ating hangarin na maging isang ganap na Transformative, Lively, and Caring City ay ang kagustuhan nating maipadama ang tunay na TLC sa ating mga senior citizens dito sa Taguig(this is part of our objectives to ensure that our locality will become a Transformative, Lively, and Caring City. We want this TLC to be fully experienced by our elderly in Taguig),” pahayag ni Mayor Cayetano.
Bukod sa cash gift, may iba pang programa ang ibinibigay ang pamahalaang local gaya ng libreng health services kabilang ang regular medical check-ups at wellness programs para sa mga senior citizen.
Nagtayo din ang Taguig City ng Taguig Center for the Elderly na isang five- story building at ang kauna-unahang wellness hub para sa mga senior citizens sa bansa.
Ang nasabing center ay may libreng amenities gaya ng therapy pool, sauna, massage room, gym/yoga/ballroom area, cinema, rooftop garden, clinic at multipurpose hall/recreational area.
Mayruon din libreng physical therapy at nursing care ang mga seniors na direktang dini deliver sa kanilang mga bahay kasama ang kanilang libreng maintenance para diabetes, asthma, at hypertension.