-- Advertisements --

Isa na namang iligal na botika na pinapatakbo ng mga Chinese national ang nilusob ng National Bureau of Investigation sa Clark Freeport Zone.

Tatlong Chinese ang naaresto sa isang bodega na bentahan ng mga gamot.

Ayon sa NBI Central Luzon, na may libreng konsultasyon at libreng gamot na rin ang mga magpapakunsulta sa nasabing botika.

Maging ang kalapit na kainan ay nadiskubre ng NBI na may mga ibinebentang mga gamot.

Napag-alaman na walang anumang permit mula sa Food and Drug Adminstration ang ni-raid na botika.

Inaalam pa rin ngayon ng NBI kung magkakaugnayan ba ang mga magkakasunod na raid nila sa iligal na klinika at botika na pinapatakbo ng mga Chinese sa Paranaque, Makati at Fontana noong nakaraang mga linggo.

Sinabi ni NBI Chief Ross Jonathan Galicia na may mga impormasyon na sila na binubuo na posibleng magkakaugnayan ang nasabing operation.