-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pang inalam ng Bureau of Fire Protection-Caraga Esperanza Fire Station ang kabuu-ang danyos matapos lamunin ng apoy kagabi ang tatlong mga silid-aralan ng Hawilian Elementary School sa Brgy. Hawilian, bayan ng Esperanza, Agusan del Sur.

Ayon kay Fire Officer 2 Rodel Somarina, matagal-tagal nila itong narespondihan dahil nakita lang ng kanyang kasamahan ang residente sa naturang barangay na nag-Facebook live.

Dahil 11-kilometro ang layo ng nasabing barangay mula sa kanilang fire station at madulas at lubak-lubak pa ang daan, kung kaya’t naabutan nila ng 3 silid-aralan na nagliliyab na.

Naideklara nila ang fire out pasado alas-9:20 na ng gabi.