-- Advertisements --

Napilitang kanselahin ng organizer ang tatlong concert ni American pop star Taylor Swift sa Austria dahil sa banta ng terorismo.

Nakatakda sana magsagawa ng tatlong gabi na concert si Swift mula Agosto 8 hanggang 10 sa Ernst Happel Stadium, Austria.

Dagdag pa ng organziers na may kumpirmasyon ang gobyerno ng Austria ukol sa terror attack ay wala na silang nagawa kung hindi kanselahin ang concerts para sa kaligtasan ng lahat.

Tiniyak nila na lahat ng mga nakabili ng tickets ay maibabalik ang kanilang bayad.

Una rito ay mayroong dalawang suspek na naaresto ang mga kapulisan ng Austria na pawang mga sympathizer ng Islamic States.

Nakuha sa bahay ng 19-anyos na suspek ang ilang mga chemical substance na maaring gamitin sa paghasik ng terorismo.