-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang mga nakumpirmang mga kaso ng covid-19 sa lalawigan ng South Cotabato sa kabila ng mahigpit na pagbabantay ng mga otoridad at pagsasailalim sa mahigpit na quarantine at isolation protocols.

Batay sa datos na inilabas ng Department of Health Region 12, tatlong positibong kaso ang nadagdag sa lalawigan kung saan lahat sila ay mula sa bayan ng Tupi.

Batay sa impormasyon, kabilang sa mga nagpositibo ay isang 35 anyos na lalaki na isang locally stranded individual mula sa Manila na dumating noong Hunyo 11, 45 anyos na seaman na dumating noong Hunyo 13, at pinakahuling naitala ang isang 58 anyos na OFW na sa kasalukuyan ay nasa isolation facility na ang mga ito.

Ngunit nasa maayos na kalagayan ang mga ito at hindi nakitaan ng anumang komplikasyon.

Matatandaang nagpalabas si Governor Reynaldo Tamayo ng isang executive order kung saan pinag-iingat ang lahat mula sa mga LSIs at OFWs na posibleng nagpositibo sa covid-19 nang dumating sa probinsya.