-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nananatili sa isang compound sa Guinobatan, Albay ang tatlong coronavirus (COVID-19) positive na mga pasyente na isinailalim sa total lockdown.

Siniguro ni Mayor Gemma Ongjoco sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na mino-monitor ang kondisyon ng mga ito at mismong ang mga pasyente ang nagsabi na mabuti na raw ang kanilang kondisyon.

Nakatakdang isailalim sa ikatlong swab test ang unang nakumpirmang positibo at hangad na magnegatibo na.

Ayon kay Onjoco na nagpapakita ng malaking tsansa na maka-recover ang naturang pasyente na asymptomatic na.

Mismong ang mga ito na rin ang naghayag na i-reserve na lamang ang isolation ward ng ospital sa mga pasyenteng mas malala ang kondisyon.

Samantala inamin ng alkalde na pahirapan ngayon ang suplay ng bigas dahil walang NFA rice at umaasa lamang sa commercial rice.

Posibleng abutin aniya ng dalawang linggo bago muling masuplayan ng government rice dahil nakapila pa ang request ng bayan.