-- Advertisements --

Handang magpaturok ng COVID-19 vaccines sa harap ng camera ang mga dating pangulo ng America na sina Barack Obama, George W. Bush at Bill Clinton.

Ito ay para ipakita sa publiko na ligtas gamitin ang bakuna kapag ito ay dumaan na sa US Food and Drug Administration.

Umaasa ang tatlong dating pangulo na maisusulong ang kumpiyansa ng tao na ligtas at mabisa ang ang nasabing bakuna.

Ayon kay Freddy Ford ang chief of staff ni Bush na nakipag-ugnayan na ang ika-43rd president kay Dr. Anthony Fauci ang director ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases ganon din kay Dr. Deborah Brix ang White House coronavirus response coordinator.

Parehas din ang naging pahayag nina Obama at Clinton sa pagsasapubliko ng pagpapaturok ng COVID-19 vaccine.