Naka-alerto ngayon ang mga otoridad sa Hong Kong matapos magdeklara ng three-day protest ang mga raliyista na gaganapin sa isang paliparan ng lungsod.
Layunin umano ng mga ito na subukang kunin ang simpatya at suporta ng mga turista na papasok sa Hong Kong sa kabila ng patuloy na malawakang kilos-protesta rito.
Ayon sa Hong Kong authorities, tanging mga departing passengers lamang na may travel documents ang papayagan nilang makapasok sa terminal.
Nakaupo sa malamig na sahig habang hawak ng mga raliyista ang placard na may nakasulat na “HK to freedom” at “warm pick-up to guests to HK.”
Ito na ang ikalawang protesta na gagawin sa loob ng naturang paliparan ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ito otorisado ng mga otoridad.
Mapayapa namang humupa ang unang kilos-protesta sa airport sa kabila ng abala na dinulot nito sa milyon-milyong pasahero.
Inaasahan naman ng mga organisers na libo-libo pang raliyista ang sasali sa nasabing three-day protest at hiniling nila na sana raw ay irespeto ng mga pulis ang kanilang gagawing tahimik na pag-aalsa.