-- Advertisements --

Magsisimula na ang local absentee voting (LAV) bukas, Abril 27 para sa mga hindi makakaboto sa mismong araw ng halalan sa Mayo 9.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), nasa kabuuang 84,357 botante ang nakarehistro para sa local absentee voting na magtatagal hanggang sa Abril 29 ng kasalukuyang taon.

Nakapagtala naman ang poll body ng nasa 9,341 indibidwal na hindi naaprubahan ang kanilang aplikasyon dahil hindi nakapagrehistro o deactivated.

Batay sa datos mula sa Comelec mayroong kabuuang 93,698 personnel mula sa military, police, gobyerno at media ang nakapag-apply para sa local absentee voting para sa halalan.

Manual ang paraan ng pagboto para sa local absentee voting kung saan isusulat ang pangalan ng mga ibobotong kandidato para sa national positions mula sa Pangulo, Bise-presidente, Senador hanggang sa Party-list representative.