Magpapatupad ang Kamara ng tatlong-araw na lockout sa Batasang Pambansa complex sa Quezon City bilang security precaution ilang araw bago ang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 22.
Sa isang advisory, inanunsyo ng House secretariat ang “complete lockout policy” mula Hulyo 19 hanggang 21 kung saan ang mga tao, maging ang sariling empleyado ng Kamara, ay hindi papayagan na pumasok sa Batasang Pambansa complex kung wala naman silang official business sa lugar.
Ayon kay Acting House secretary general Dante Roberto Maling, isa lamang ito sa mga pre-SONA requirements nila para matiyak ang kaligtasan ng ilang daang guests kapag magtungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso sa Hulyo 22.
Noong nakaraang linggo, sinabi ni Maling na wala siyang natanggap na banta sa seguridad.
Dagdag pa nito, wala raw siyang basehan pa para paniwalaan na ang kaguluhan sa Mindanao, kabilang na ang June 28 suicide bombing sa Indanan, Sulu ay aabot sa House complex sa raw ng SONA.