-- Advertisements --

Inanunsiyo na ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsasagawa ang gobyerno ng tatlong araw na national vaccination drive mula Nobyembre 29- Disyembre 1.

Sa kaniyang Talk to the People nitong gabi ng Lunes na isasabay ang nasabing pagbabakuna sa paggunita sa kaarawan ni Gat Andres Bonifacio kung saan ikokonsiderang bawat Filipino na mababakunahan laban sa COVID-19 ay maituturing na bayani.

Nagbiro pa ang pangulo na kung ang mga mababakunahan ay bayani ang mga hindi magpapabakuna ay tatawagin aniyang pangit.

Nauna ng sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr na magsagawa ng 3-day national vaccination drive para mapabilis na maabot ang herd immunity.