-- Advertisements --
LAOAG CITY – Isang sanggol na tatlong araw pa lamang matapos ipanganak ang namatay dahil sa COVID-19.
Ito ang kinumpirma ni Barangay Chairman Alfredo Peralta ng Barangay 5 sa lungsod ng Laoag.
Ayon kay Peralta, namatay ang sanggol bago malaman ang positibong resulta ng swab test nito.
Aniya, sumailim sa test ang sanggol dahil unang nagpositibo sa virus ang ina nito.
Una rito, paliwanag ni Peralta na naitakbo sa ospital ang ina para manganak at sumailalim ng swab test.
Dagdag ng punong barangay na nakumpirmang may lagnat ang ina noong na-admit ito sa ospital.