Tatalima umano ang Bureau of Quarantine (BOQ) sa magiging desisyon ng COVID-19 task force ng bansa sa panukala na muling ipatupad ang tatlong araw na facility based quarantine para sa mga returning overseas Filipinos.
Paliwanag ni BOQ deputy director Roberto Salvador Jr., sang-ayon ang ahensiya sa kailang aprubahan ito ng DOH at ng IATF dahil pinag-aralan ito ng mga eksperto.
Nauna ng inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na pag-aaralan ng DOH ang pagpapanumbalik sa 3 days quarantine para sa mga returning Filipinos na lumabas na negatibo sa covid19.
Subalit, iginiit ni Duque na mas magandang antayin ang mga karagdagan pang impormasyon hinggil sa bagong Omicron variant na nadetect na sa ibang mga bansa na lumalabas sa naunang ebidensiya na mas nakakahawa ito kumpara sa ibang variant.
Kamakailan lamang ng binago ng IATF ang testing at quarantine protocols para sa mga pasahero mula sa mga bansang wala sa red list.
Sa ilalim ng IATF guidelines, epektibo noong Disyembre 3 ang lahat ng fully vaccinated travelers ay kailangan magpresenta ng negatibong resulta ng RT-PCR test 72 oras bago ang departure sa place of origin.
Sasailalim sa din sa facility based quarantine at RT PCR test sa ikalimang araw mula ng unang araw na dumating sa bansa.
Kapag negatibo sa COVID-19, kailangan pa rin na sumailalim sa 14 days home quarantine mula ng dumating sa bansa.