Naniniwala si Alwyn Uytingco na balang araw ay babalik sa maayos at buo ang pamilya nila ng asawa at kapwa artistang si Jennica Garcia.
Sa unang direktang komento ni Uytingco, magiging araw-araw niyang panalangin ang makasama muli si Jennica at kanilang dalawang anak na six a three years old pa lamang.
Ito’y kahit alam niyang hindi madali ang kakaharapin niya pero susugal alang-alang sa pagsagip sa pagsasama nila ng anak ng kontrabida actress na si Jean Garcia.
“Mas pipiliin kong tawirin ang tulay na ‘to, kahit ikamatay ko, susubukin ko dahil alam ko na ikaw (at mga anak natin) ang sasalubong sa’kin sa dulo,” ani Uytingco kalakip ang family picture sa kanyang IG account.
Noong nakaraang buwan nang aminin ni Jennica na nagbenta ito ng ilang gamit sa bahay para sa pagsisimula ng bagong buhay sa nilipatan kasama ang dalawang anak.
Iginiit naman ng 31-year-old actress na kahit babalik na siya sa show business, ay hindi usaping pinansyal ang dahilan kung bakit lumabo ang 7 year marriage nila ni Alwyn.
Ang paghayag ng 33-year-old actor na siya ay umaasa, ay tatlong araw bago ang Father’s Day sa Linggo, June 20.