TUGUEGARAO CITY – Ilang araw bago ang midterm elections sa Lunes, pinuna ng National Citizens Movement for Free Elections (NAMFREL) ang mabagal na pagpaskil sa Precinct Computerized Voters List (PCVL) sa mga polling centers.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Eric Avila, secretary general ng NAMFREL, na batay sa batas ay kailangang nakapaskil sa mga polling centers ang mga listahan ng botante isang buwan bago ang halalan.
Bagama’t umatras ang NAMFREL sa accreditation sa random manual audit o mano-manong bilangan, sinabi ni Avila na imomonitor pa rin nila ang final testing and sealing sa mga vote counting machine.
Giit ni Avila na upang maging kapani-paniwala sa publiko ang resulta ng halalan ay kailangan maibigay sa kanila ang accredidation para sa data access, bagay na tinanggihan ng Commission on Elections (COMELEC).
Paliwanag ni Avila na kulang ang makukuha nilang impormasyon at hindi pa verified kung tanging ang mano-manong bilangan lamang ang ibibigaya sa kanila ng COMELEC.