-- Advertisements --
jon aying

ILOILO CITY – Natapos na ang higit sa tatlong dekadang paghahari ng malaking political family sa bayan ng Sara, Iloilo.

Ito’y matapos tinalo ni retired Army General Jon Aying, ang mga katunggali nito sa mayoralty elections na sina Jesus Salcedo at Azur Salcedo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Aying, sinabi nito na dumating na ang panahon na mapapalitan ang pamilya Salcedo na kinatatakutan ng mga residente sa nasabing bayan.

Labis naman ang pasasalamat ni Aying dahil binigyan ito ng pagkakataon na mamuno sa kanilang bayan.

Matandaan na naging mainit ang eleksyon sa bayan ng Sara sa Iloilo kung saan laganap ang vote buying at umano’y pananakot ng mga armed goons.

Isang araw bago ang halalan, binaril ang supporter ng pamilya Salcedo na si Punong Barangay Ronnie Dorde kung saan inakusahan si Aying na utak ng pamamaril ngunit wala umanong ebidensya.