COTABATO CITY – Timbog ang tatlong mga suspek na nagbebenta ng pinaghihinalaang shabu sa Papandayan Caniogan, Marawi City, Lanao del Sur, kaninang alas-6 ng umaga, September 23, 2022.
Sa naging panayam ng Star FM Cotabato, kinilala ni Lanao del Sur PPO, Provincial Director PCol. Jibin Bongcayao ang tatlong naarestong suspek na sina Rocaya Baguan, Sailani Decamponh, at Aslani Decampong.
Nakuha sa mga suspek ang MOL 25 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng PHP170, 000.00 (Possession), MOL 1g ng hinihinalang shabu (Object of sale), assorted drug paraphernalia, at mga personal na gamit.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Section 6 (Maintenance of a Drug Den), Section 7 (Employees and Visitors of a Den), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), at Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia ), Artikulo II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.
Ang nasabing joint drug buy bust operation ay naging matagumpay sa tulong ng PDEA RSET, 500 CEB PA, PDEU-PSOG LDS, PIU-LDSPPO, at Marawi CPS.