-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Tatlong drug pusher ang nahuli ng mga otoridad sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga suspek na sina Candao Tugaya Mamalacat, 41; Rahim Baluno Abusama, 27, at Mujahid Baluno Abusama, 20, mga residente ng Barangay Liong, Datu Piang, Maguindanao.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region (PDEA-BAR) regional director Juvinal Azurin na nagsagawa sila ng drug buy bust operation sa Barangay Buayan, Datu Piang, Maguindanao katuwang ang mga tauhan ng RMFB-14, at 34th IB.

Nang iabot na ng mga suspek ang droga sa PDEA-agent ay doon na sila hinuli.

Nakuha sa kanilang posisyon ang 10 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance of suspected shabu na may timbang na 500 grams na nagkakahalaga ito ng P3.4 million, buy bust money, at dalawang pitaka, mga samot saring ID, 3 cellphone, isang multicab na pick-up at NMAX motorcycle.

Sinabi ni Maguindanao PDEA BARMM head Anthony Naive, ilang buwan nilang minanmanan ang mga suspek sangkot sa malakihang bentahan ng shabu.

Sa ngayon ay nakapiit na ang mga suspek sa custodial facility ng PDEA-BAR sa Cotabato City at nahaharap sa kasong paglabag sa RA -9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.