-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang tatlong indibidwal matapos na maaresto sa checkpoint sa bahagi ng Purok 1, Brgy. San Vicente, Banga, South Cotabato.

Kinilala ng mga otoridad ang nahuli na sina James Anthony Bergado Bacongga, 24-anyos, mekaniko at residente ng Brgy. Salakit, Kiamba, Sarangani Province; Renz Ynion Magpayo, 26-anyos, estudyante nga residente ng Maria Rosa Village, Poblacion, Polomolok; at isang babaye na kinilalang si Aira Anog Palomo, 23-anyos, dalaga, estudyante at residente ng Cannery Site, Brgy. Poblacion, Polomolok.

Naaresto ang tatlong indibidwal matapos na-intercept sa isinagawnag checkpoint operation ng 2nd Maneuver platoon SCPMFC sa nasaoing lugar.

Nakuha sa tatlo ang isang ka unit ng Toyota Wigo, 14 na sachet ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na masobra 30 grams at may estimated street value na P204,000, kabilang ang ibat-ibang mga drug paraphernalia.

Ayon pa sa mga otoridad, ang mga suspek ang ikinokonsiderang High Value Individuals (HVI).

Agad naman na dinala sa PDEA 12 office ang mga naarestong suspek at ang nakumpiskang mga illegal na droga para sa kustodiya at disposisyon.

Mahaharap naman sa kaukulang kaso ang mga nahuling suspek.