CENTRAL MINDANAO – Tatlong drug suspects ang nahuli ng mga otoridad sa siyudad ng Cotabato.
Nakilala ang mga naaresto na sina Datu Fhai Bansuan Midtimbang alyas King, Desma Watamama Midtimbang alyas Des at Datukon Mislay Mohamad alyas Toks, mga residente ng Guindulungan, Maguindanao.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region (PDEA-BAR) regional director Juvenal Azurin, nagsagawa sila ng drug buy bust operation katuwang ang mga tauhan ng 1404th RMFC, RMFB 14 at RHPU-BAR sa Barangay Rosary Heights 9, Cotabato City.
Nang iabot na ng mga suspek ang shabu sa asset ng PDEA-BAR ay doon na sila hinuli.
Narekober sa mga suspek ang 50 grams na shabu na nagkakahalaga ng P340,000, isang 9mm pistol, mga bala, magazine, mark money, tatlong cellphone, isang kotse at mga personal na kagamitan.
Sinabi ni Azurin na maituturing na high value target ang mga suspek dahil umano sa malawakang operasyon ng mga ito sa Maguindanao, Cotabato City, North Cotabato at mga kalapit na probinsya.
Sa ngayon ay nakapiit na ang mga suspek sa costudial facility ng PDEA-BAR at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2