-- Advertisements --

Inamin ni Vice President Sara Duterte na ikinokonsidera na ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtakbo bilang senador.

Pero maliban sa dating president, kakandidato rin bilang senador sina Davao City 1st District Rep. Paolo “Polong” Duterte at Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Matatandaan na una nang sinabi ng dating pangulo noong 2021 na balak niyang tumakbo sa Senado, kasabay ng pagnanais na ayusin ang ilang gusot sa kanilang Partido.

Samantala, kinumpirma ni VP Sara Duterte na naghahanda na rin sila para sa 2028 presidential elections, kung saan si Mayor Baste ang napipisil na kumandidato sa pagka-presidente.

Sa panig naman ng bise president, nagbabalak na lang daw siyang bumalik sa local politics bilang alcalde pa rin ng Davao City.