-- Advertisements --

Tuluyan nang isasara ang Xiangshui chemical industry park kung saan naganap ang malakas na pagsabog na naging dahilan ng pagkasira ng mga katabing kabahayan at pagkasawi ng 78 katao.

Sa loob ng maraming taon, ang pagsabog na ito sa Yancheng city ay isa sa pinaka malalang aksidente sa China.

Ayon sa mga otoridad 187 katao ang nasugatan sa nasabing pagsabog na ngayon ay patuloy pa ring nagpapagaling sa ospital.

Samantala, tatlong empleyado naman ang ikinulong dahil sa hinihinalang di-umano’y koneksyon ng mga ito sa tunay na dahilan ng pagsabog.