-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tatlong empleyado ng isang commercial establishment sa lungsod ng Iloilo ang sinaniban umano ng masamang espirito.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa security guard na isa sa mga nasaniban, sinabi nito na uuwi na sana sila ng humingi ng saklolo ang isa sa kanyang mga kasamahan matapos na nawalan ng malay ang isang clerk.

Ayon sa security guard, kaagad nilang ginising ang clerk ngunit tila mahimbing itong natutulog.

Dahil may third eye ang security guard, kaagad nitong nalaman na sinaniban ng masamang espirito ang kanyang kasama.

Kaagad itong nagsagawa ng ritwal ngunit sa hindi inaasahan, sumanib sa kanya ang masamang espirito.

Maliban sa security guard, sinaniban rin umano ang helper sa nasabing commercial establishment.

Kaagad namang rumisponde ang Iloilo City Emergency Responders at mayroon namang nagsagawa ng panalangin para sa mga empleyado na nasaniban umano ng masamang espirito.