-- Advertisements --
LAOAG CITY – Panibago na namang mga estudyante sa Marcos National High School sa Marcos, Ilocos Norte, ang sinapihan umano ng masamang espiritu.
Ayon kay Paciano Cid, principal ng nasabing paaralan, isinisigaw ng mga batang sinapihan na ayaw nilang gamitin ng mga mag-aaral ang bagong building doon.
Maliban dito, naingayan umano ang mga bad spirit sa isinagawang earthquake drill ng paaralan at ayaw nilang nagagamit ang bell.
Dahil sa nangyari, sinabi ni Cid na pinauwi nila agad ang ibang mga estudyante para hindi sila maapektuhan.
Noong nakaraang buwan lamang ay umabot sa 40 estudyante ang sinapian ng masamang espiritu sa pareho ring paaralan.