-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinag-utos ng korte na tuluyan nang ilipat sa regular civilian jail ang tatlong dating mga kadete ng Philippine Military Academy na nahaharap ng kasong murder at paglabag ng anti-hazing law sa Baguio City.

Ito ay matapos unang nakitaan ng mabigat na mga ebedensiya na idiin sa nabanggit na mga kaso sina ex-PMA cadets Julius Carlo Tadena,Felix Lumbag Jr at Shalimar Imperial Jr na mga akusado nang pagkamatay kay late Cadet 4th Class Darwin Dormitorio noong Setyembre 18,2019.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Baguio City Police Office Director Col Allen Rae Co na matapos malaman ng regional court na nasa PMA custody na ang tatlong akusado ay agad nilabas ang commitment order upang kunin ang kustodiya nito at mailipat sa civilian regular jail ng lungsod.

Inihayag ni Co na tumutol ang mga abogado ng mga akusado at maging AFP kaya naghain ng apelasyon sa korte.

Bagamat hindi kinompirma ng opisyal na ang pagtutol ng mga akusado na maalis sa AFP custody ang dahilan na ipinagpaliban ng korte ang pagbasa sana ng mga kaso na kanilang kinaharap.

Babasahan ng kanilang mga kaso tatlong akusado sa hindi nabanggit na petsa ng Agosto 2020.