-- Advertisements --

LONDON – Nagtutulungan na umano ang police service ng Ireland at kanilang mga counterpart sa Britain sa pagtukoy sa kung sino ang nagpadala ng tatlong maliliit na bomba sa ilang mga pangunahing transport hubs sa London nitong Martes.

Una rito, nakatanggap ng mga package na naglalaman ng pampasabog at nakasilid sa A4 postal bags ang Heathrow at London City airports, maging ang Waterloo rail station.

Ayon sa Metropolitan police, itinuturing umano nila ang naturang mga insidente bilang magkakaugnay.

Inaalam na rin umano nila ang motibo sa likod ng pangyayari.

Batay sa impormasyon, nakatanggap ng ulat ang London police ukol sa isang kahina-hinalang bagay na nasa Heathrow matapos buksan ng isang staff ang package na nagdulot ng sunog.

Kalaunan, isang kahalintulad na package ang natukoy sa post room ng Waterloo, habang nakita naman ang isa pa sa opisina sa London City airport. (Reuters)