Natukoy na may kinalaman umano sa tatlong federal crimes ang hinahanap ng US Justice Department bilang bahagi ng kanilang imbestigasyon sa search warrant sa Mar-a-Lago residence ni former US President Donald Trump
Ito ay ang posibilidad na paglabag umano sa Espionage Act, obstruction of justice at criminal handling ng government records.
Ang pagsasama sa nabanggit na federal crimes ay nagpapakita na may probable cause sa pagkalap ng ebidensiya ang Justice department para imbestigahan ang mga paglabag.
Una rito, nito lamang Biyernes nang isiniwalat ng federal judge ang nilalaman ng search warrant ay property receipt mula sa FBI na nagsagawa ng paghalygad sa Mar-a-Lago resort ni dating US Pres. Trump sa Palm Beach sa Florida.
Narekober ng FBI ang 11 sets ng classified documents kabilang ang isang set ng “top secret/SCI” documents, 4 sets ng “top secret” documents, 3 sets of “secret” documents at sets of “confidential” documents.