-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nailigtas ng pulisya ang tatlong mga babae na menor de edad sa loob ng condo unit ng isang American national sa Barangay Camaman-an, Cagayan de Oro City.

Nag-ugat ang pagka-aresto ng suspek nang namalayan ng lola ng isa sa mga biktima na bukas ang Facebook account nito gamit ang cellphone kung saan nakabase ito ng kakaiba na palitan ng mga mensahe.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Police Chief Master Sgt Shiela Odchigue, hepe ng Woman and Children Protection Desk ng Macabalan Police Station 5 na agad ipinagbigay alam ng lola sa ina ng bata ang kanyang nadiskobre at mismo ang ina ang nakabasa ng mga kahina-hinala na mga mensahe.

Ito ang dahilan na ikinasa ang operasyon kung saan nagkunwari ang ina ng biktima habang nagpakalitan ng mensahe hanggang sa natunton ang tinuluyang condo unit ng suspek na si Sebastian Alexander Altamerano,nasa legal na edad,taga- California,USA at umano’y online stock broker na namamalagi dito sa bansa.

Natuklasan na ilang beses na umanong nadala ng suspek ang tatlong biktima sa loob ng kanyang tinuluyang unit kaya ito ang pinagbubuhusan ng panahon ng pulisya upang tukuyin kung wala bang pangyayari na sexual activities.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas ng bansa,mahigpit na ipinagbawal laban sa mga banyaga na isasama ang mga babaeng menor de edad mapapambliko o pribadong lugar kapag ito ay hindi nila kapamilya o kaanak.

Sa ngayon nasa kustodiya muna ng pulisya ang suspek habang tumangging magbigay pahayag sa Bombo Radyo kung saan iginiit nito ang kanya umanong pribasiya at ipinag-katiwala na lang sa makuha niya na abogado ang kasalukuyan niya na sitwasyon.