Nasa tatlong mga Filipino cardinals ang nasa Vatican ngayon upang dumalo sa dalawang araw na extraordinary consistory na ipinatawag ni Pope Francis.
Kinumpirma ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang naturang impormasyon sa pamamagitan nang paglalabas ng larawan na magkakasama sa Vatican sina Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect of the Dicastery for Evangelization; Cardinal Orlando Quevedo, ang Archbishop Emeritus ng Cotabato; at si Manila archbishop Cardinal Jose Advincula.
Makikita ang mga ito na nasa labas ng Paul VI Hall sa loob ng Vatican.
Sa naturang pagpupulong na magtatapos ngayong araw, inaasahang mag-aanunsiyo ang Santo Papa ng bagong mga cardinals.
Sa natura ring event si Pope Francis ay magtatalaga ng majority o 63 percent ng tinaguriang College of Cardinals.
Ang college ay grupo ng malalapit na mga assistants at advisers ng Pope.
Ito ay binubuo ng lahat ng mga Catholic Church’s cardinals mula saa iba’t ibang panig ng mundo.