-- Advertisements --

DIPOLOG CITY – Isang private plane ang nag-crash landing sa karagatang bahagi ng Sinunuc, Zamboanga City kaninang umaga.

Ayon sa report, patungong Dumaguete City ang nasabing eroplano mula Zamboanga City Airport bandang alas-9:30 ng umaga nang bigla itong bumagsak sa naturang lugar.

Mechanical problem ang itinuturong dahilan ng aksidenteng pagbagsak ng RP C834.

Napag-alaman na ligtas naman ang apat na katao na lulan ng eroplano kung saan tatlo sa mga ito ay foreign national.