-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Patay ang 3 katao sa pagkasunog ng isang bus ng Yellow Bus Lines Incorporated (YBL) sa bahagi ng national highway Bialong Mlang, North Cotabato pasado alas- singko ng hapon ng Huwebes.

Sa inisyal na impormasyon mula sa Mlang PNP, isang unit ng YBL na may body number A-104 na naghahatid sundo ng mga front liners na galing Kidapawan City ang nasunog.

Tatlong mga bangkay na hindi pa nakikilala ang natagpuan sa loob ng bus matapos ang sunog.

Sa inisyal na report, sinadya umano itong sinunog ng isa sa mga pasahero sa pamamagitan ng pagsaboy ng gasolina.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente.