-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nagsanib-puwersa na ang mga miyembro ng Batanes Police Provincial Office (BPPO), Maritime Group, Philippine Coast Guard at mga barangay official, sa patuloy na pagsuyod sa karagatan ng Batanes.

Ito’y kasunod ng pagkarekober ng isang mangingisda sa isang kilo ng cocaine sa naturang karagatan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Col. Merwin Cuarteros, provincial director ng BPPO, na hindi sila titigil para imonitor ang kanilang karagatan para mapigilan ang pagpasok pa ng iligal na droga sa kanilang nasasakupan.

Ito ang unang pagkakataon na may narekober na droga sa karagatan ng Batanes.

Ang narekober na cocaine ay hawak na ng Philippine Drug Enforcement Agency para sa kaukulang disposisyon.