-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Tatlong grupo sa Kabacan Cotabato ang tumanggap ng mga proyekto mula sa Department of Agriculture-Special Area for Agricultural Development o DA-SAAD.

Ayon kay Municipal Agriculturist Tessie Nidoy, ang mga magsasaka ng Bangilan IA, Osias Samahang Nayon, at Magatos FA ang tumanggap ng mga proyekto.

Tinanggap ng grupo ang Garden Tools na complimentary sa naunang corn project sa Bangilan IA na kinabibilangan ng bolo, pala, at iba pa.

Bukod sa garden tools, tumanggap din ng upgraded goats ang tatlong grupo na ayon sa DA ay upang makatulong sa diary production o kaya ay sa goat meat.

Nakatanggap din ng pato ang mga magsasaka na kabilang din sa programa ng SAAD.

Lubos naman ang pasasalamat ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman Jr sa kagawaran. Aniya, malaki ang maitutulong ng mga programa ng DA lalo pa’t agricultural area ang bayan.

Hinimok din nito ang mga grupo na makipag-ugnayan sa Municipal Agriculture Office upang malaman ang mga programa ng DA.