Nabuwag ng Philippine Army 2nd Infantry “Jungle fighter” Division ang tatlong NPA Guerilla fronts sa Southern Tagalog.
Ayon kay 2nd ID commander, M/Gen Greg Almerol, dahil dito ay epektibong nawakasan daw ang terrorist activity ng NPA sa Calabarzon.
Sa nakalipas na taon, umaabot sa 13 NPA guerilla fronts ang nabuwag ng AFP sa iba’t ibang panig ng bansa.
Binigyan naman ni AFP chief is staff Gen. Gilbert Gapay ang militar ng hanggang sa katapusan ng 2021 para lansagin ang nalalabing 54 na guerilla fronts ng NPA.
Ang mga guerilla fronts ang NPA unit na responsable umano sa pangingikil, pagpatay sa mga opisyal ng gubyerno, pulis at sundalo, pangha-harass sa mga negosyante at paninira ng mga flagship projects.
Umaasa naman ang militar na ang mga natitira pang miyembro ng NPA ay sumuko na lamang sa pamahalaan para makapagsimula ng bagong buhay.
Pinuri naman ni 2nd Infantry Division vommander M/Gen. Greg Almerol ang mga sundalo na nasa likod sa pagbuwag sa mga guerilla fronts.