-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Tuloy-tuloy ang imbestigasyon na isinasagawa ng Bureau of Fire and Protection (BFP-Bangued) matapos masunog ang tatlong gusali sa Zone 5, Bangued, Abra.

Ayon kay Fire Officer 3 Dylan Domingo ng Bangued BFP, nangyari ang sunog dakong 5:30 at naideklarang fire out matapos ang 45 na minutos.

Aniya, tatlong gusali ang nasunog kabilang ang isang karinderya, aluminum supply at isang establihimento ng lapida maker.

Nakilala ang may-ari ng karinderya na si Rowena Rosales, habang ang may-ari naman ng Aluminum Supply ay si Joy Chong at ang may ari ng Lapida Maker a ni Maritess Bragas.

Sinabi ni FO3 Dominggo, pinakaapektado sa sunog ang aluminum supply at partially burned ang karinderya at lapida maker.

Gayunpaman, walang nailistang casualties a nasabing sunog