-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nahuli ng mga otoridad ang umano’y tatlong drug dealers sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga suspek na sina Gani Mehar Kanday alyas Idol, Adhan Mawiya Adam at Thens Abtullatip Ebrahim, mga residente ng Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Pigcawayan PNP na nagsagawa ng drug buy bust operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA-12) PDEA-BARMM at Cotabato PNP sa Barangay Poblacion, Pigcawayan, North Cotabato.

Nang iabot na ng mga suspek ang shabu sa asset ng PDEA ay doon na sila hinuli.

Narekober sa mga suspek ang 50 grams na shabu, isang kalibre .45 na pistola, mga bala, dalawang magazines, drug paraphernalia, isang D4D Toyota van, marked money at mga personal na kagamitan.

Sinabi ni PDEA-12 regional director Naravy Daquiatan, sakay ang mga suspek sa isang pampasaherong van mula sa Maguindanao at nahuli sa Pigcawayan, Cotabato.

Dagdag ni Daquiatan, ang mga suspek ay sangkot sa illegal drug trade sa Cotabato City, Maguindanao at North Cotabato.

Ang mga suspek ay nakapiit na sa costudial facility sa Pigcawayan MPS at sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at illegal possession of firearms.