Naharang na makalabas ng Pilipinas ang tatlong Pinoy na hinihinalang biktima ng human trafficking ayon sa Bureau of Immigration ngayong Linggo, Sept. 29.
Napigilan umano ng immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Sept.12 ang tatlo bago pa man ang mga ito makapag-board sa kanilang flight pa Thailand.
Nai-turn over na ngayon ang tatlo sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa karagdagang imbestigasyon at makapagsagawa ng legal action sa kanilang recruiter.
Ang mga biktima ay 28 anyos na lalaki, at dalawang babae na 24 at 27 taong gulang.
Gayunpaman, sinabi ng bureau na napansin ng isang opisyal ng immigration ang ilang discrepancies sa primary inspection.
Nagbabala ang BI sa mga Pilipino na huwag magpabiktima sa mga sindikatong ito na nagre-recruit at pinipilit silang gumawa ng mga ilegal na aktibidad.