Arestado ang tatlong hoarders na nagbebenta ng alkohol at medical supplies sa sobrang taas na presyo sa dalawang magkahiwalay na operasyon na ikinasa ng Joint CIDG-DTI price-monitoring teams nitong Huwebes.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen Bernard Banac, ang pag-aresto sa unang dalawang suspek sa Sangandaan, Caloocan na sina Jeffrey Zapanta, at Albert Mandap, ay base sa reklamo ng mga bumibili online.
Sa ikinasang buy-bust operation ng CIDG-DTI team, Huli sa akto ang dalawa na nagbebenta ng 500ml Ethyl Alcohol online sa halagang 140 pisong samantalang nasa P61.00 hanggang PhP74.25 ang itinakdang presyo nito.
Ang pangatlong suspek naman na si Evangeline Salazar Endozo, saleslady ng JKOS Medical Supplies and Equipment, ay naaresto sa Bambang, Sta. Cruz, Manila base reklamo ng mga consumer na nagbebenta ito ng overpriced 60 ml bottles of Green Cross Alcohol sa halagang P80.00 pesos.
Nakumpiska sa tindahan ang 1,380 botelya ng 500ml, 60ml, at 40ml ethyl alcohol na May market value na Php231,000.
Ayon kay Banac, ang mga suspek ay mahaharap sa patong patong na kaso.
ng paglabag sa Republic Act 7581 ( Price Act) as amended by Republic Act 10623 at Republic Act 7394 ( Consumer Act of the Philippines); Article 14 of the Revised Penal Code of the Philippines (Aggravating Circumstances); DTI Memorandum Circular No.20-07 “Anti-Hoarding and Anti-Panic Buying”; at Proclamation No. 922 ng Pangulong Duterte.