-- Advertisements --

Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang tatlong lalaki na sangkot sa panghoholdap gamit ang toy gun.

Kinilala ang mga suspek na sina Manuel Balverde, Neil Hernandez at Christian Salcedo.

Nadakip ang mga suspek sa lungsod ng Pasig na sila umano ang itinuturong nasa likod ng serye ng mga holdapan sa lugar.

Sinabi ni Colonel Moises Villaceran ang hepe ng Pasig City PNP, unang naaresto si Salcedo matapos na makilala ito sa CCTV at sa ginawang follow-up ng PNP kasama nila ang Criminal Investigation and Detection Group ay natunton ang kinaroroonan ng dalawa pang kasama nito sa Taytay, Rizal.

Lumabas din sa imbestigasyon ng mga kapulisan na sangkot ang mga suspek sa robbery holdup, carnapping sa lungsod ng Pasig.