-- Advertisements --
Tatlong pagamutan na sa bansa ang napili ng Department of Health (DOH) para doon isagawa ang clinical testing ng Japanese-made drug na Avigan na posibleng gamot para sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire , ang mga pagamutan na ito ay kinabibilangan ng Sta. Ana Hospital , Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital at Quirino Memorial Center sa Metro Manila.
Agad na sisimulan ang nasabing clinical trial kapag walang naging problema sa protocols sa ethics review.
Nauna rito naglaan ang gobyerno ng P18 million na pondo para sa clinical trials ng gamot na Avigan.
Mayroong 100 pasyente ang kukunin ng DOH para isagawa ang nasabing trial.