-- Advertisements --

LA UNION – Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa tatlong drug personalities na naaresto dahil sa umano’y pagbebenta ng droga sa Barangay Bacuit Sur sa bayan ng Bauang, La Union.

Nakilala ang mga suspek na sina Joeviriz Jose, 30; Denny Rose Cantor, 18; at Aiza Dacasin, 34, pawang mga residente ng Las PiƱas City.

Sa isinagawang operasyon ng mga kawani ng Philippine Drug Enforment Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ay nakompiska mula sa pag-iingat ng mga suspek ang 10 sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 50 grams at nagkakahalaga ng P340,000.

Kabilang din sa narekobre ng mga otoridad ang tatlong sachet na naglalang ng hinihinalang marijuana, P10,000 na boodle money at P2,000 na pera na ginamit sa transaksyon.

Nasa pangangalaga ngayon ng Bauang Police Station ang mga nasabing suspek.