BUTUAN CITY – Matagumpay ang ginawang entrapment operation kaninang hapon sa isang computer shop sa may San Francisco Street, Brgy. Sikatuna, Butuan City laban sa mga suspek na nagbebenta ng Covid-19 negative results.
Nakilala ang mga suspek na sina Eric Dorado Cailing, 34, data encoder na taga Purok-5B, Silad Mahogany; Raymundo Albay Veloso Jr, 66, rubber stamp maker na residente ng P-4 Barangay Cabcabon; at Rex Nathaniel Enriquez, 34, rubberstamp maker na nakatira sa Brgy. Tabon-Tabon, Sibagat, Agusan del Sur.
Nagbebenta ang mga ito ng negatibong resulta ng COVID-19 sa halagang P500.
Nakumpiska sa posisyon ng mga ito ang dalawang fake COVID rapid result at dalawang P500 bill na marked money.
Nasa kustodiya na sa Butuan City Police Station 1 ang mga naaresto kasama ang nakuhang mga bagay para sa tamang disposasyon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan kay PLt. Angelito Avila, team leader ng Operation sa R2 Division, kinumpirma nito na umamin ang suspek na matagal na ito nilang ginagawa dahilang kukumpiskahin pati ang mga computers nang sa gayon ay malaman kung sino pa ang naisyuhan nang pekeng COVID-19 results.