-- Advertisements --

Na-account na ng gobiyerno ng Pilipinas ang 121 mula sa kabuuang 128 registered Filipinos sa Mandalay, kasunod ng nangyaring magnitude 7.7 na lindol noong Marso 28, 2028

Batay sa huling update na inilabas ng Philippine Embassy sa Myanmar, natukoy na ang lokasyon ng mga ito at nakumpirmang sila ay nasa ligtas na kalagayan.

Ayon sa embahada, patuloy nilang inaalam ang kalagayan ng ibang hindi pa na-account.

Kinabibilangan ito ng tatlo na inaasahang makumpirma na sa mga susunod na oras habang ang apat na una nang napaulat na missing ay patuloy na hinahanbap at tinutunton ang kanilang kinaroroonan.

Muli namang ipinaalala sa embahada sa mga Pilipino roon na panatlihin ang pagiging kalmado at kapanatagan habang nagpapatuloy ang malawakang serch and rescue operation sa mga buong Myanmar.

Ipinaalala rin ng embahada sa mga Pinoy na maging kalmado sa gitna ng patuloy na aftershock kasunod ng malakas na lindol